Sinabi ko na ang mga ito dati:
1. ‘Wag agad mahuhulog ang loob sa nakikilala/ipinakikilala.
2. Iwasan ang pagsesave ng mga mensahe sa celfone at email.
3. Irolyo at isuksok din sa bus ang mga tiket na magkasamang naglakbay. Mga
resibo ng pagkakape, pag-iinom, o pagsasalo.
4. ‘Wag agad magpapalitrato kasama siya.
5. Habaan ang pang-unawa.
Wala.
Wala na naman akong natupad.
Muli, almost lover na naman ang kinabagsakan ng lahat.
Sabi ng isang dating kaibigang naniniwala sa wika ng bituin, ang Virgo raw na tulad ko ay madaling magmahal subalit matagal makalimot. Nagkataon lang siguro ‘yun sa kaso ko. May masama ba kung madali akong magtiwala? Siguro nga meron. Dahil sa pagkakatapos ng mga pagtatangka sa pagpasok sa relasyon, ako ang laging may L sa noo.
Kahapon, gayong tatlong pirasong kamiseta lamang ang dala pauwi sa Dasma, isang libro ukol sa Diaspora, ilang diario ng mga pamantasan, isang sweater, toiletries— kay bigat-bigat ng aking backpack. Para bang nakasukbit sa aking likod ang buong lungsod. Habang nasa bus papuntang terminal sa Lawton, naalala ko ang chat namin sa fb. Kung paano nanlisik sa akin ang mga titik na nagpaunawang wala na, na muling nadurog ang posibilidad na hanggang kagabi ay pilit kong pinanghawakan.
Akala ko lang meron, pero wala! Wala! Wala na nga! Parang cursor na naghihintay sa susunod kong sasabihin: nandiyan lang tapos biglang wala. At hanggang sa pindutin ko ang x at tuluyan na ngang nawala. Hanggang sa pindutin ko rin ang deactivation, at parang kontrata na naniniguro si fb, kinopya ko ang mga nakaduduling na letra at numero para ipaalam kay fb na sigurado ako sa gusto kong mangyari: ang maglaho muna at mawala.
Bago matulog sa biyahe, binura ko ang lahat ng mensahe na nagpangiti at nagpakunot ng aking noo sa halos isang buwan. Walang dapat matira sapagkat mas mahihirapan akong magpatuloy sa mga paparating na araw.
Iniisip ko kung nasaan ang mga tiket ng bus. Siya ang nagbayad noon. Maano kung mabawasan ang mga naipong tiket sa aking garapon para sa iniisip na artwork? Ang mahalaga’y walang bakas na matira na kakapitan ng aking paglimot. Para sa mga paggising sa mga paparating na araw, tulad lang ng dati ang umaga: trabaho at pag-aaral ang ipinaaalala ng bawat galaw ng kamay ng orasan.
Bigla kong naalala, mayroon kaming litrato sa kamera ng kaniyang kaibigan. Ayos lang dahil wala naman akong kopya. Ayos lang at di naman naupload. Ililigtas din ako ng deactivation sakaling maisilid nga sa worldwide web ang litrato. Matagal ko nang nasabi sa sarili, mahirap makipagtitigan sa alaala kaya di ako kumportable sa pagpapalitrato sa mga panahong nasa bingit ng pag-ibig. Madrama na kung madrama, subalit ito ang isa sa aking paraan upang saklolohan ang sarili sa pagkangalay sa paglalagay ng L sa noo.
Batid ko namang marami na naman akong sablay na nagawa at nararapat ko itong pagbayaran. Batid ko rin na kinulang na naman ako sa pag-unawa. Pero masasabi ko rin na sa nangyari, kahit isang pulgada o kahit kalahati man lang, nadugtungan ito. Kahit papaano, natutunan ko ang salitang kompromiso. Natutunan kong kainin ang aking Ego sardines para humingi ng paumanhin, maunang magtext upang buksan ang tikom na bibig ng aming pagitan, magyaya na magkita. Pero kahit anong effort pala sa pag-unawa, kung wala namang tuwirang pagsalubong mula sa kabilang panig, hindi sasapat ang pagbuntong-hininga sa pagpapahaba ng pisi. Nakatatawa, parang moda ng mismong nasa diaspora ang kinalulugaran ko sa kaniya: wala rito, wala roon. At iyon ang huling gunita bago ako dapuan ng hikab—
ng pungay.
Ginising ako ng mga tanungan ng pasahero sa kung ano ang nangyayari sa may dakong unahan. Kalalampas pa lang ng bus sa arko ng pagbati sa pagdating sa Dasma. Medyo bumagal ang takbo. Nakitanaw na rin ako sa pinag-uusapan. Aksidente raw. Baka may shooting daw. Hanggang sa mabagal na dumaan ang aming bus sa kumpulan ng mga tao. At mula sa bintana, nadungaw ko ang tila eksena sa palabas ni FPJ na nakatulugan ko sa biyahe: isang kotse ang sumadsad sa gilid. Parang may mga tama ng bala ang salamin, isang lalaki na nasa passenger seat ang nakalaylay sa may upuan ng drayber, binendisyunan ng sariling dugo. Muli akong sinakmal ng lungkot.
Hindi ako nagsisisi, subalit oo, nanghihinayang. E ano kung may L ako ngayon sa noo, at least, humakbang ako; naglakbay kahit pa naligaw. Sakaling mapadaan ulit ako sa ganoong sangang-daan, may mapa na ako na patuloy na nabubuo dahil sa mga pagkaligaw.
30 January, 2012
23 January, 2012
Ang mga Silid ng Panaginip
Iba-ibang kuwarto ang pinasok ng aking mga panaginip sa magkakasunod na gabi. Sabi ng maliit kong libro ukol sa panaginip, ito ay manipestasyon ng ating mga bagahe (takot, lumbay, agam-agam) na dala-dala sa pagtulog.
Sa ilang gabi rin, ang mga bagahe ko ay naging sahig, naging dingding, naging cabinet, naging bintana— naging kuwarto.
Kuwarto sa Imus
Halos dalawang buwan na nang iwan ko ang kuwartong ipinahiram ng isang matalik na kaibigan. Kung anong laki ng bahay ay siya namang konti ng taong naroroon. Apat lang kami roon. Sa labas, sa karugtong na bahagi ng bahay sa bandang likod ang mundo ng katiwala. Ang mismong ibaba ng bahay naman ang daigdig ng tatay. Sa taas, naroroon ang aming paraiso.
May apat na pinto sa aming paraiso. Sa pinakadulo ang kuwarto ng aking kaibigan. Katabing-katabi naman ng akin o mas tamang sabihing akin muna. At sa may gawing hagdanan ang dating kuwarto ng bunso niyang kapatid, na isang malaking cabinet na ngayon ng aking kaibigan. Sa pagitan ng aking kuwarto at ng ngayo’y cabinet na kuwarto ang aming CR.
Sa loob halos ng dalawang buwang panunuluyan roon, hindi ko pinatutulog ang puting bumbilya ng aking study lamp. Pumipikit lang ang ilaw kung may maligaw na kaibigan mula sa Maynila, kahit papaano ay may karamay sa titig ng dilim.
Bagama’t di ako naniniwala sa multo, may kumatok noong unang gabi ko roon. Walang tugon ang katok.
Dati, sa mismong kuwarto ng aking kaibigan ang aking ampunan, hanggang sa pumayag ang kapatid niyang may sarili nang bahay na gamitin ko pansamantala ang dati niyang lungga.
Mula nang lumipat ako sa bagong bahay, minsan ko pa lang ‘yun nadadalaw. At ang kasunod ngang pagbisita ay sa panaginip.
Marami-raming bahay na ng gagamba ang naipundar. Nilatagan na ng alikabok ang sahig. Naroron pa rin ang puting kurtinang naiwan ko. Hinawi ko ito gaya ng laging ginagawa sa pagdating. Subalit walang dumungaw na detalye sa labas ng bintana. Wala sa aking paggising ang larawan ng matandang mangga, ang mga sasakyan ng Ford, ang mga bus sa national highway. Tanging ang kuwarto. Ang kuwarto na may sariling silong subalit walang hagdan. Sa ibaba, may isang tao, na kahit anag-ag ang pigura, ramdam kong nakatingala. Hinagilap ko ang aking salamin, at doon, doon ko nakatitigan ang aking sarili. Ako na nasa silong, ako na nasa itaas.
Kuwarto sa Dasmarinas
Kalahati lamang ng dati kong hiniram na kuwarto ang lungga ngayon ng aking mga gamit, ng aking katawan. Kahati ko rito ang isang estudyante. Isang double deck: siya sa ibaba, at sa taas ay mga gamit namin. Mayroon ding tv na pag-aari ng roommate ko.
Sa sahig nakalatag ang aking kutson dahil mas kumportable. Una, hindi ko kaya sa itaas dahil madalas akong mahulog at dahil na rin sa vertigo. Ikalawa, mas maayos ang mga gamit ‘pag nasa itaas.
Palibhasa’y pader lamang na mas mataas lang sa akin ng isang dangkal ang naghihiwalay sa aming kuwarto at bukid, madalas may maligaw na alitaptap sa kuwarto. Na madalas ding makatulugan ko ang panunuod dito habang parang diklap na nagpapaikut-ikot sa munti ko/naming mundo.
Malaki ang naitutulong ng bukid sa aking pagtulog. Maginhawa. Nakarerelax ang simoy. Malayung-malayo sa hininga ng Maynila na nagpalala rin siguro ng hirap ko sa pagtulog.
Inihatid ako ng aking himbing sa aking kuwarto sa Quezon. Naroroon ako, inihahanay ang mga libro ayon sa taas. Naroroon ako, tinitibag ang mga kaharian ng gagamba. Matapos nito, kumuha ako ng isang libro, humilata sa kutson na kaaalmirol ang kobre at mga punda. Nagbasa nang nagbasa habang masayang-masayang naglalaro ang hangin at kurtina.
Sa sumunod na gabi, binisita ko ang kuwarto ng matandang bahay sa Mauban. Binalikan ang mga guhit sa dingding: mga tingting na tao, mga pangalan, mga hugis. Ilang palanggana ang nasa sahig upang sahurin ang kalungkutan ng bubong. Subalit noong sandaling iyon, walang banta ng ulan subalit nakahanda ang mga palanggana. Pagkatapos, isang sulat ang aking binasa. Mabuti na lamang at nakasahod pa rin ang palanggana. Nangalahati ito sa aking pag-iyak. Hindi malinaw kung ano nga ba ang nasa sulat. Idilig ko ang aking luha sa mga orkidya ni lola.
Ang panaginip ay panaginip. Subalit di ko maiwasang mabalisa sa kung ano ang pahiwatig ng kuwarto. Ano ang kinalaman nito ngayon sa pagdating isang manlalakbay? Hindi ko pa alam. At ayaw ko ring pangunahan ang bawat aking pagmulat.

12 June, 2011
kagebunshin teknik sa panahon ng kung anik-anik
Bawal ang mabagal sa lungsod. Lahat nagmamadali. Ultimo daliri sa keyboard ay tila naghahabol sa tick tack ng punch clock.
Tuwing haharap ako sa monitor, lagi kong sinasabi sa sarili, check ko lang ang fb, check ko lang ang yahoo, check ko lang ang gmail tapos magbabasa na ako ng balita o magsusulat. Pero sa mga check, check na yon, laging X ang aking napapala sa mga gusto kong gawin. Yan din ang paliwanag kung bakit ang laki ng agwat ng mga petsa sa aking drama dito.(wushu)
Sa lahat, sarili ang pinakamahirap kausap. Pano ba naman, sarili mo rin ang makikiusap sa iyong sarili na saglit lang ha. Teka ichat ko lang muna si ganito/ganon kasi matagal na kaming di nagkikita. Tapos 'yung mga kachat, madalas ay may kanya-kanyang listahan ng rekomendasyon:icheck mo yung bagong music video ni, icheck mo 'yung pic ni, icheck mo 'yung status ni. Hanggang sa magsawa ka sa mga checks (na mayaman na sana ako kung pwede lang tong i-encash). At alam n'yo na ang susunod na eksena ng mga check na to. X.
Lagpas ang kahingian ng bawat araw sa siyang dapat para sa isang tao. Ayokong magsumbong sa pamunuan ng Commission on Human Rights ngayon, baka matawa lang sila. Pano ko nga naman nasabing lagpas ang aking ginagawa sa aking pagiging tao? Ayoko. Ayokong mapagtawanan, at ang mahirap pa dyan, mapagtawanan nang di naman talaga naiintindihan.
***
Di pa man tuluyang nagliliwanag ang siyudad, ayun, di na magkamayaw ang mga tao sa mga estasyon ng tren. Ganito ang bawat araw: milyong katawan ang isinisilid sa bituka ng tren upang ihatid sa mga opisina-- upang tuparin ang mga itinakda ng pagkita ng kumpanya. Kayod-kabayo pero kwentong kutsero ang sweldo.
Kelangang pantayan ang pagiging competitive ng panahon. Sa ngalan ng trabaho, nararapat ilabas lahat ng talento. Mahusay mag-ingles: check. Marunong magcomputer: check. Marunong magfax: check. Marunong magpowerpoint: check. Masarap magtimpla ng kape: check. Di member ng union: check. E marunong magmasahe o pwedeng imasahe? Kahit X, nagiging check.
Alang-alang sa pagsahod sa ambong sweldo, nagmimistula tayong si Naruto. Times two, times two upang matugunan ang kahingian ng kumpanya at mga kahilingan ng sarili. Ayaw nating mahuli kahit isang hakbang sapagkat sikmura ang nakataya sa bawat tick tack ng punch clock.
At tulad ng punch clock, paikut-ikot lamang ang pagmamadali hangga't ang times two, times two teknik ay di ginagamit upang paramihin ang magpapalakas ng laban upang maging times two, times two rin ang alwan ng ating paggising araw-araw.

08 May, 2011
Ngayong Mayo
Pitasin ang mga bulaklak
na hinahagkan ng ilong.
Pinuhin ang petulya—
katasin ang pag-ibig.
Ngayon, hayaang langgasin ko
ang ‘yong pasma, paso, pilat,
puyat, gatla, gitlang namukadkad
dahil din sa pagsinta.
Maliban dito, Inay, pagdamutan mo
yaring aking pag-ibig na sumibol sa kinis ng papel—
ipinunla ng talinghaga ng gaspang
ng mapagpaubaya mong palad.
Ngayon, langhapin ang mga talulot ng salita
na dinilig hindi ng unang buhos ng buwan—
kung hindi ng umaapaw kong pananalig
sa ligalig ng pag-ibig, sa pag-ibig sa ligalig.
8 Mayo 2011
Ilog

01 April, 2011
Kagat ng Langgam
Niyakap ko si papa sa tv.
‘Yun yung picture na naka-smile
sa’ming sala.
Sikat na nga ata si papa.
Bayani kasi ang tawag sa kanya
nina sir at ma’am.
Papa, busy ka siguro no
kaya di ka nakakatawag?
Pero wag kang mag-alala, Pa,
lagi kong ginagawa
ang homework ko—
kasi promise mo
uuwi ka ngayon
pag may medal ako.
Alam mo Pa,
umiyak
na parang baby si lola
nong mapanood ka.
Babakunahan
ka daw kasi
sabi n’ya.
Akala ko, pareho sila ni mama,
‘yun pala,
napuwing lang sya.
Kwento naman ni mama,
gawa daw ‘yun nong lason
na pinainom sa’yo.
Ang bad, bad naman nila!
Di ba nila alam
na ‘kaw ang best Papa?
Pero sabi ko sa kanila,
matapang si Papa
kasi nga bayani s’ya.
Kaya nga Ma, lola wag kayong malungkot,
Di ba lagi n’yong sinasabi sa’kin,
parang kagat lang ‘yun ng langgam.
Hala,
mas lalong naging baby si lola.
Si mama naman,
umiyak na parang ako
nong makita kong tulog pa rin
‘yung nagkasakit kong ibong alaga
na kinakagat
ng di ko mabilang
na langgam.
1 Abril 2011
Sa nalalapit na pamamaalam sa tore.
‘Yun yung picture na naka-smile
sa’ming sala.
Sikat na nga ata si papa.
Bayani kasi ang tawag sa kanya
nina sir at ma’am.
Papa, busy ka siguro no
kaya di ka nakakatawag?
Pero wag kang mag-alala, Pa,
lagi kong ginagawa
ang homework ko—
kasi promise mo
uuwi ka ngayon
pag may medal ako.
Alam mo Pa,
umiyak
na parang baby si lola
nong mapanood ka.
Babakunahan
ka daw kasi
sabi n’ya.
Akala ko, pareho sila ni mama,
‘yun pala,
napuwing lang sya.
Kwento naman ni mama,
gawa daw ‘yun nong lason
na pinainom sa’yo.
Ang bad, bad naman nila!
Di ba nila alam
na ‘kaw ang best Papa?
Pero sabi ko sa kanila,
matapang si Papa
kasi nga bayani s’ya.
Kaya nga Ma, lola wag kayong malungkot,
Di ba lagi n’yong sinasabi sa’kin,
parang kagat lang ‘yun ng langgam.
Hala,
mas lalong naging baby si lola.
Si mama naman,
umiyak na parang ako
nong makita kong tulog pa rin
‘yung nagkasakit kong ibong alaga
na kinakagat
ng di ko mabilang
na langgam.
1 Abril 2011
Sa nalalapit na pamamaalam sa tore.
Subscribe to:
Posts (Atom)