Sabay-sabay gigising, mag-aalmusal,maglalakad patungong hall upang makinig sa lecture.
Sabay-sabay manananghalian, magmemeryenda, muling makikinig sa lecture, sabaysabay maghahapunan, at
sabay-sabay maglalakad pabalik sa Silliman Alumni Hall at sabay-sabay sa paggala.
Ganito umikot ang aking buhay nitong mga nagdaang araw kasama ang mga taong kasabay sa pagsablay. hehehe
Si Karlo, 16, pinakabata. Siya na lang ata ang natitirang magalang na bata sa balat ng lupa. Endangered na siya kaya dapat natin siyang protektahan. Bata ang edad niya pero pag nag-isip mas matanda pa sa iba doon (di ko sasabihin kung sino). Binilhan niya ako ng piaya at hinatian ng kanyang papaya soap. Siya ang tagahawak namin ng susi dahil magaling siya sa math (oo, wala talagang connection. gusto ko lang sabihin na magaling talaga siya sa numbers).
Si CR, tahimik, biriterang agnostic. Hindi ko kinaya ang Don't Yah na Bosa version niya. "Which is good!" ang paborito niyang hirit ngayon. At siya ang partner ko sa panchachaka.
Si MK na nage-MA, oha may tugma. Aakalain mong mukhang High School student (peace) pero pag nag-isip ay parang Dean (bawi).
Si Shamae, batang mabait (pag tulog) hahahaha. Kahit walang sabi-sabi, 'pag may narinig kaming di namin bet, tumitingin kami sa isa't isa. ewan ko ba kung anong meaning non hehehehe. akala mo tahimik, pero pag kinausap mo, nakupo, kulang na kulang ang panahon sa mga sasabihin niya.hahahaha
Si Matikas, ang "hot" na Gandhi. Matangkad, kalbo, moreno at may sense magtanong. Well lahat naman meron. (ay lahat nga ba?? teka tanong ko lang kay CR.) Tatlong beses niya kaming ginising noong last day. Noong una't ikalwa, naka-pajama pa siya. noong ikatlo, nakaligo na siya at ready na kaya napilitan na kaming gumising. Salamat Matix sa paggising. hehehe Basta napuyat kaming lahat non.
Si Joel, na napansin ko na agad sa airport pa lang sa Manila kasi binabasa niya si Arundhati Roy. Tingin ko sa kanya ay malungkutin which i found out na totoo. hehehe Sabi niya, noong nagsabihan ang lahat ng first impression sa isa't isa sa harap ng nagagalit na dagat at may naninipang pulang kabayo sa gitna ng lahat, ako raw ang inakala niyang magiging "main" enemy sa training at si CR ang master. hahahahaha gumaganon. Kaboses niya ang alaga ni Jose at Weng.
Si Elgee, taga Nueva Vizcaya na laging nagmamapicture. ang first impression ko sa kanya ay "flirt." At sinabi ko yan sa kanya. Uy, gusto nilang malaman ang sinabi ni Elgee. Ang sabi niya: "talaga? Ngiti." o diba ang ganda ng response niya? :-)
Si Marianne at June ng Weekly Sillimanian, noong last night na namin sila naka-jam. Sila pala 'yung mga students na nasa likod lang at nakikinig buong giliw. Sila ang sumama sa amin sa "Hayahay" upang makipagsayawan at makaipagkantahan kay Bob Marley. Hindi raw sila pinapayagan na magtanong, ang relevance nila doon sa training ay tanging makinig. hay, tungkol pa naman sa pamamahayag ang topic tapos di sila pwedeng magpahayag, weird no? anyway, ang cool ng 2 to. peksman.
Si Lord, oo totoo si Lord at taga Western Mindanao State University siya at ito ang pasabog...babae si Lord. Ka-grupo ko siya sa workshop at pasabog talaga siya. Far-out lagi ang mga naiisip hahaha at heto ang panalo sa lahat: Bumalik siya sa dorm upang kumuha ng ballpen. Nagtataka lang ako kung di ba niya naisip na lang na manghiram, kasi writer naman ang mga taong kasama niya.
Si Reagan, na isa ring Guilder at umatend ng Lunduyan 08. Ka-grupo ko rin siya at maganda rin ang kanyang mga naiisip na articles. Kasabay ko siya lagi magyosi. Apat lang kasi kaming nagyoyosi na labis kong ipinagtaka.
Si AJ, hardcore christian, taga-cebu. hindi ko siya masyadong naka-usap. tahimik lang siya pero mukha naman siyang mabait dahil siya ang bumili ng yelo noong gabing biglang dumugo ang ilong ni Matix. Oo, nagnosebleed si Matix hahaha. Noong nagpakilanlan, katabi ko si AJ at ninosebleed ako sa kanyang pag-iingles at marami pang iba. Naisip ko, ano kaya ang mangyayari kung makulong sina ni CR at AJ sa isang room sa loob ng isang linnggo? hahaha Masaya yun, agnostic at hardcore christian.
Si Kim, Weekly Sillimanian din. matagal na kaming magkakilala ng babaeng ito pero tumumbling talaga ako noong nasa may dagat kami. walang panahon, di mo iisipin na sa kanya mo maririnig na ok daw ang "**al sex." Cartwheel! Split! Tumbling ulit!
Kahapon, sabay-sabay kaming nagba-bye sa isa't isa.
07 November, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)