Niyakap ko si papa sa tv.
‘Yun yung picture na naka-smile
sa’ming sala.
Sikat na nga ata si papa.
Bayani kasi ang tawag sa kanya
nina sir at ma’am.
Papa, busy ka siguro no
kaya di ka nakakatawag?
Pero wag kang mag-alala, Pa,
lagi kong ginagawa
ang homework ko—
kasi promise mo
uuwi ka ngayon
pag may medal ako.
Alam mo Pa,
umiyak
na parang baby si lola
nong mapanood ka.
Babakunahan
ka daw kasi
sabi n’ya.
Akala ko, pareho sila ni mama,
‘yun pala,
napuwing lang sya.
Kwento naman ni mama,
gawa daw ‘yun nong lason
na pinainom sa’yo.
Ang bad, bad naman nila!
Di ba nila alam
na ‘kaw ang best Papa?
Pero sabi ko sa kanila,
matapang si Papa
kasi nga bayani s’ya.
Kaya nga Ma, lola wag kayong malungkot,
Di ba lagi n’yong sinasabi sa’kin,
parang kagat lang ‘yun ng langgam.
Hala,
mas lalong naging baby si lola.
Si mama naman,
umiyak na parang ako
nong makita kong tulog pa rin
‘yung nagkasakit kong ibong alaga
na kinakagat
ng di ko mabilang
na langgam.
1 Abril 2011
Sa nalalapit na pamamaalam sa tore.
01 April, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)