At kung sakaling tanungin mo ako nito:
“Bakit kamaong madiing nakatiklop
ang mga daliri,ang lagi mong ipinipinta
para sa’ting anibersaryo?”
Kung bakit ni minsa’y hindi
kita iginuhit ng puso,
ng palad na namamanata,
ng mga kamay na may singsing na magkamukha—
dahil maya’t maya kong iginuguhit ang mga ito
at maingat na itinatago
sa aking kamao.
Ang aking kamao ay puso.
At ang puso ko’y kamao
na laging nakaambang magtanggol
laban sa pyudalismo ng pag-ibig at sumagupa
sa imperyalismo
ng dibdib.
18 Setyembre 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
anobah beh! kinilabutan naman ako dito. hehe. ahlahvet!
panalo talaga toh!
Post a Comment