Tuwing Agosto, madalas akong dalawin ng mga pangkaraniwang lungkot. Di dahil sa buwang ito madalas lumuha ang langit at maglawa ang EspaÑa. Di rin naman dahil sa buwang ito namatay si Ninoy. At tiyak ko, hindi rin dahil sa panahong ito ginugunita ang "Buwan ng Wika" na sa totoo naman ay ang mismong paghihingalo ng bagay na ginugunita ang mensaheng pilit pinagtatakpan ng pagdiriwang.
Siguro, dahil unti-unting lumalapit ang aking edad sa huling petsa ng kalendaryo. Pero alam ko, isang malaking drama lang ang huli dahil ito naman ang pagdaraanan ng lahat. Una-una nga lang. hehehe.
Pero nang aking palalimin(naks) kung bakit nga ba (hehehe ito ang mas malaking drama), pakiramdam ko, ako ang salitang "lungkot" o ang akin talagang pangalan ay "lumbay." Dahil hanggang ngayon ay di ko pa rin mahagilap ang tugma ng giniginaw kong tula. (emo!!!) Pero napagtanto ko (buti naman) masyado 'tong mababaw. Dahil di lang naman tayo naririto para lumandi (hehehe); naririto tayo at patuloy na nadaragdagan ang edad upang matuto at gamitin ang lahat ng mga aral upang maging makabuluhan ang ating pag-iral. Sabi nga ni lola, "normal lang ang tumanda, pero ang tumandang walang pinagkatandaan ay higit pa sa pagiging abnormal."
Kaya walang panahon malungkot. Lahat ng lungkot ay may katapat na tuldok, gayundin naman ang saya. Hindi kumpleto ang buhay kung isa man sa dalwang nabanggit ay mawawala. Bente-kwatro taon na ako sa mundo, at alam kong marami pang drama at saya. Ang bawat paghinga ay may karampatang pagtugon dahil nga: "hindi natutulog ang balita." (maipilit lang talaga hehe)
dahil 24 na ako, may 24 wishes ako:
1. Sana makapagpagawa na ako ng bookshelf. dumarami na kasi ang mga libro ko at wala na akong mapaglagyan.
2. Sana matapos ko na ang koleksyon ko ng tula tungkol sa mga OCWs.
3. Sana may magregalo sakin ng ipod.
4. Sana tumaas na ang sahod ng mga manggagawa.
5. Sana makabili na ako ng aquarium. hehehe
6. Sana magkaroon na ng sariling lupa ang mga magsasaka.
7. Sana ibigay na ni pikay (ate ko) 'yung laptop niya sa akin.
8. Sana maging totoo na ang "education is a right" para marami nang makapag-aral. 'Yung tipong sa Cuba.
9. Sana madagdagan ang collection kong Neruda.
10. Sana di na kailangan pumila para sa bigas.
11. Sana makapagpublish ako ng book.
12. Sana wala nang drayber at pasaherong magsusuntukan dahil sa pamasahe.
13. Sana makapag-Sagada ako.
14. Sana wala nang kailangang iwan ang kanilang pamilya upang magpaka-alipin sa ibang bansa.
15. Sana makasali ako sa isang play (hehe).
16. Sana wala nang kailangang magbenta ng kanilang "bato" upang saglit na maibsan ang gutom.
17. Sana mapagpatuloy ko piano lessons (hehe) at marami pang matutunang kanta sa gitara.
18. Sana buksan na ang lahat ng saradong student publications at wala nang masuspend o makick-out dahil lang sa paggigiit ng karapatan.
19. Sana makapag-jog at row ulit kami ni Heidi.
20. Sana makita na sina Jonas, Karen at She at lahat ng nawawala, at mabigyang hustisya si Beng at iba pang biktima ng extrajudicial killings.
21. Sana matuto na akong mag-layout.
22. Sana wala nang inosenteng mamamayan ang mamatay dahil sa walang kwentang gerang inilulunsad ng pamahalaan.
ito na, last two. siyempre ito 'yung gustung-gusto ko:
23. Sana mahanap ko na ang tugma ng aking tula.
24. Sana mawala na si GMA sa posisyon at mapagbayad siya sa lahat ng kanyang mga kasalanan at isilang ang isang tunay na makataong sistema.
Maligayang Kaarawan Kabi!
28 Agosto
sa kuwarto ni parce
28 August, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
hahaha kaya ko tugunan number 21 :)
1- Pwede nga pala natin i-project yun. Kasi tumulong ako noon gumawa ng baul. Haha. Pero natatakot sila pag ako ang naglalagari.
5- Wag na aquarium, san mo ilalagay yun? Fish bowl muna haha.
15- Di ba dapat isasali ka noon sa play? Kaso umayaw ka.
Happy birthday vijae!
panalo. ang wishlist.
ako rin. sana mahanap ko na ng tugma ng aking tula. char.
Post a Comment