10 August, 2008

Ang Parikala ng Tula ng Pag-ibig

Pinaiibig tayo ng taludtod.
Napapangiti tayo
sa mga bersong hinugot
sa pamamaalam at pagdating,
sa pagsosolo at pagsasalo,
sa pananaginip at paggising,
at sa muling pagkalanta at pamumunga
ng ngiti at hikbi, ng hikbi at ngiti—
luha at luwalhating paulit-ulit iniiwa’t hinahanap.

Kinikilig tayo sa pagbigkas
Ng mga katagang kinatas
Sa mga karaniwang karanasang
nakasaknong sa dibdib.
Nahuhumaling tayo sa pintig ng mga pantig
Ng makatang hinihiraman natin ng bibig.
Umiibig tayo sa kanyang talinghagang
giniginaw sa paghahanap ng tugma.


2 Agosto 2008

No comments: