Habang tumutuhog ng kwek-kwek kanina, naisip ko kung ilang kwek-kwek ang mabibili ng bill na binayaran ni Madam G. sa Le Cirque.
Napangiti at tumulo ang laway ko.
Isang six feet na swimming pool na nag-uumapaw sa kwek-kwek ang naisip ko. 'Yung tipong magda-dive ako at habang nasa ere ay tulu nang tulo na ang laway. Tapos i-iinvite ko lahat ng mga kaibigan ko, mga kapitbahay, street children, mga taga-payatas, taga-riles at lahat ng gustong jumoin. Maglalangoy kami sa pugo hanggang meron. Hindi kami titigil hanggang may natitira at hindi bumabaho ang aming utot.
Feeling ko, masyado pang konti ito sa aktuwal na mabibili. Ok lang, sanay na ako sa pugo. Pugo lagi score ko sa math quizz. Kaya siguro nahilig ako sa pugo. Basta ang mahalaga, alam kong magalalangoy ako sa pugo.Tamasa! Ito na yung "tamasa" na tinatawag ng mga kaibigan namin ni kuya na mga tambay noon sa amin na masayang-masaya na tinablan ng alak.
Nang minsang tinanong ko kung pinangarap ba ni Makata na makakain sa Le Cirque, ito ang sinabi niya: " Bakit mo naman naitanong?"
Ayan, tanung nang tanong pa kasi, eh di namroblema na naman ako sa susunod kong sasabihin?
"Natanong ko lang." walang kakwenta-kwenta kong reply.
"Wala akong balak umalis ng bansa.Ang hangin dito ang aking hininga. Ang pagkain dito ang aking kabusugan. Kumbakit may nagugutom ay hindi dahil tamad sila, may isinilang lang talagang sadyang matakaw."
Tulad ng inaasahan, wala akong naisip na ipantapat na linya. Walang nasabi maliban sa hirit ng isang bangag: "Wow hanep!"
16 September, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
(blogwalking) hahaha. ganda ng entry. nkarelate po ako sa pugo na score sa math. haha. =)))
Post a Comment