Tiyak, sasabihan mo na naman akong emo kapag nabasa mo ito. Mamatay na ang hindi emo o hindi maeemo sa ngayayari ngayon sa bansa!
Mas nagiging madali na ngayon ang komunikasyon dahil sa teknolohiya. Pero maniwala ka, sa pagdali nito mas nagiging mahirap ang mga bagay-bagay.
Sakaling dumating sa hangganan ang palitan ng mga kakornihang kowts sa celfone, tiyak buburahin mo ang mga mensaheng dating tuwang-tuwa kang binabasa at finoforward pa sa iba na alam mong nakarerelate. Itatapon sa basurahan ng 'yong celfone ang pangalan at numero na dating di lang agad magreply ay pinagdadramahan mo. Magpapanggap kang makauusad ka na sa ginawa mo, pero sa bawat tunog ng fone mo ay umaaasa kang siya iyon. Alam mong siya iyon kahit pa may drama kang binura mo na siya.
Halimbawang siya nga iyon ay sasagutin mo pa ng "Hus dis?" Pa-hus dis hus dis ka pa upang ipaalam sa kanya na ok ka na pero ang totoo ay hinihintay mo ang tugon niya. At ito ang nakatatawa sa dramang "hus dis?": magagalit kang lalo kung hindi na siya tuluyang magparamdam. Bakit nga naman siya magrereply sa ganon ay alam naman niyang alam mo na siya iyon?
Mahilig tayong magtanong kahit kabisado naman natin ang sagot.
Makinig ka: kahit burahin mo ang numero at pangalan ng tao, kahit paulit-ulit ka pang magpalit ng sim, niloloko mo lang ang sarili mo dahil alam na alam mo namang sa puso, hindi sa sim card nakasave ang kanyang pangalan, numero, email add at maging tirahan.
Sobrang Cheesey talaga!!!
05 September, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment